Buhay ofw

Ang OFW ay ang pinaikling tawag para sa mga Overseas Filipino Workers. Napakalaki ng kontribusyon ng mga OFW sa mga pamilyang kanilang naiwan sa Pilipinas. Bukod dito, malaki rin ang kontribusyon nila sa paglago ng ekonomiya ng ating bansa. Sa kabila nito, hindi lingid sa kaalaman ng nakararami ang paghihirap na ikinakaharap nila sa ibang bansa. Narito ang halimbawa ng sanaysay patungkol sa kalagayan ng ating mga OFW sa ibang bansa.

Ang mga OFW ay ang ating mga modernong bayani sa panahon ngayon. Alam natin na sila ay naghahanapbuhay sa ibang bansa pero hindi natin alam ang nakatagong kwento tungkol sa kanilang mga sakripisyo at paghihirap.

Marami tayong naririnig na mga “buhay OFW stories” sa internet at sa mga balita sa TV o radyo. May ilan na maganda ang storya ngunit marami rin ang nakakalungkot ang storya. Hindi biro ang kalagayan ng mga OFW sa ibang bansa. Marami ang minamaltrato at inaabuso ng kanilang mga amo. Tinitiis ito ng ating mga OFW para lamang masustentuhan ang kanilang pamilya sa ibang bansa.

Nakakalungkot na kailangan pa nilang lumisan sa bansa at maranasan ang pang-aabuso para lamang kumita. Hindi na sana nila kailangang lumayo kung mas malaki lamang ang pasahod sa ating bansa.

Dahil sa mga samu’t saring pagsubok at karanasan ng mga OFW sa ibang bansa, nararapat lamang na bigyan natin sila ng saludo para sa kanilang sakripisyo.

Nawa’y nakatulong ang mga ideyang ito upang makagawa ka rin ng iyong sarili at orihinal na sanaysay tungkol sa kalagayan ng ating mga OFW sa ibang bansa.

Leave a comment